Ni Leandro Alborote

TARLAC CITY, Nueva Ecija - Isang Grade 4 pupil ang umano’y minolestiya ng kanyang kapitbahay sa Barangay Dalayap, Tarlac City simula pa noong nakaraang taon.

Ayon kay PO2 Marie Larmalyn Nuñez, ng Tarlac City Police, nagtungo sa kanilang tanggapan ang biktimang sinamahan ng kanyang mga magulang upang ireklamo si Renato Reyes, 67, ng nasabi ring barangay.

Sa salaysay ng biktima, nag-umpisa ang insidente noong Abril 6, 2017 hanggang Pebrero 19, 2018.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ang suspek ay nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness.