Ni Aaron Recuenco

Hindi kukunsintihin ng Philippine National Police (PNP) ang maling gawain ng mga tauhan nito, kasunod ng napaulat na dalawang insidente ng sexual assault sa pagsasagawa ng anti-drug operations.

Ito ang tiniyak kahapon ni PNP Spokesman Chief Supt. John Bulalacao, kasabay ng apela sa publiko, partikular sa mga biktima, na kaagad magsampa ng reklamo laban sa mga pulis na gumagawa nito.

‘The PNP does not condone wrongdoings of rogue police personnel. Investigation is now being conducted on these incidents,” sabi ni Bulalacao.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Tinukoy ni Bulalacao ang isang kaso sa Meycauayan, Bulacan, kung saan apat na pulis ang inireklamo sa umano’y halinhinang panghahalay sa isang pitong-buwang buntis, sa harap ng batang anak nito.

Binanggit din ng PNP ang isa pang kahalintulad na insidente sa Maynila, na apat na pulis din ang inaakusahang nagmolestiya sa 11-anyos na babaeng kinapkapan ng mga ito, sa paghahanap ng droga.

“We appeal to the public to report erring cops as we continue our efforts in cleansing our ranks. Those who will be found guilty shall be punished and dismissed,” pagtitiyak ni Bulalacao.