Ni Marivic Awitan

Mga Laro Bukas

(Rizal Memorial Baseball Stadium)

9:00 n.u. -- UST vs AdU (Softball Finals)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

12:00 n.t. -- AdU vs DLSU (Baseball Finals)

PITONG batters ang na-struckout ni University of Santo Tomas pitcher Ann Antolihao nang gapiin ng Tigresses ang defending champion Adamson University, 4-3, at makalapit sa asam na titulo nitong Martes sa Game 1 ng UAAP softball tournament best-of-three finals sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Naghahangad ng kanilang ikawalong sunod na kampeonato, nakapagtala lamang ng limang hits ang Lady Falcons na huling dumikit sa ilalim ng third inning matapos ibaba sa isa ang lamang ng UST.

Maganda sana ang simula ng Lady Falcons sa paglamang sa 2-1 sa second inning kasunod ng dalawang dikit na homerun nina Jeanette Rusia at Flor Pabiania.

Ngunit, sa pagtatapos ng third inning, wala ng pinaiskor si Antolihao upang ibigay sa UST ang tagumpay.

“Pipilitin naming matapos ng Friday,” pahayag ni Tigresses coach Sandy Barredo, na naghahangad na maputol ang kanilang title drought mula noong Season 73.

Nagsipagtala ng runs para sa UST sa third inning sina CJ Roa, Tin Palma at Bianca Hernandez na nag-angat sa Tigresses sa iskor na 4-2.

.Nakabawi naman ang Adamson sa baseball nang talunin ng Falcons, nagbabalik sa Finals makaraan ang walong taon, ang De La Salle, 14-4.

Sinimulan ng tropa ni Coach Orlando Binarao ang laban sa pamamagitan ng 4-0 run at mula doon ay nakontrol na nila ang laro na natapos sa loob ng pitong innings.

“Mabuti at nag-click ang mga isinakripisyo namin,” ani Binarao.. “Actually ang mga players, I always tell them na maging physically and mentally prepared lagi.”