Ni Joseph Jubelag

GENERAL SANTOS CITY, South Cotabato - Aabot sa 370 drug suspect ang nalambat ng pulisya sa nakalipas na dalawang buwang anti-drug operations sa apat na lalawigan sa Region 12.

Sa report ni Regional Police spokesperson, Chief Insp. Aldrin Gonzales, karamihan sa mga nadakip ay napatay din ng pulisya, kabilang ang isang barangay councilor at isang dating sundalo na nakipagbarilan sa mga tauhan ng arresting team.

Aniya, napatay si Ali Sambaga, barangay kagawad ng Barangay Lun Padidu, Malapatan, Sarangani, nang manlaban sa sumalakay na mga tauhan ng Regional Police Drug Enforcement Unit nitong Pebrero 7. Isa umanong bigtime drug trafficker si Sambaga na nag-o-operate sa Sarangani.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nakipagbarilan naman ang isang hig-value drug personality si Ibrahim Ayunan, dating sundalo, matapos sugurin ng pulisya ang bahay nito sa Pikit, North Cotabato nitong Marso 1.

Nasa 250 gramo ng ipinagbabawal na droga at mahigit isang kilong pinatuyong dahon ng marijuana ang nasamsam sa South Cotabato, North Cotabato, Sultan Kudarat at Sarangani, gayundin sa lungsod ng General Santos at Cotabato.