NAGBABALA ang Philippine Drug Enforcement Agency sa Caraga (PDEA-Caraga) laban sa “fake agents” na ilegal na gumagamit ng logo ng ahensiya, tsapa at uniporme upang manloko ng mga tao.
Ayon kay PDEA Information Officer Dindo de G. Abellanosa, kasalukuyan nilang biniberipika ang mga ulat na ilang indibiduwal at grupo ang sangkot sa pangingikil laban sa drug personalities sa ilang parte ng rehiyon.
Inilarawan ang modus, sinabi ni Abellanosa na ang mga pekeng ahente ay nagpapanggap na PDEA personnel gamit ang mga pekeng PDEA identification at uniform sa pagsasagawa ng pekeng bogus drug arrests upang makahuthot ng pera mula sa kanilang target.
Sinabi ni Abellanosa na ikinagalit ito ni PDEA-Caraga Regional Director Aileen T. Lovitos, na nagbabala rin sa mga tauhan ng ahensiya na huwag sasali sa kurapsiyon.
Sabi ni Lovitos: “I will not allow anyone, including our very own PDEA drug enforcement officers, as well as administrative and technical staff, to deliberately tarnish the agency’s integrity by any means such as performing operational irregularities, unlawful arrests and extortion activities.”
Nagbabala rin si Lovitos sa kanyang mga tauhan laban sa “unauthorized fabrication and production of PDEA green uniforms, unsanctioned printing of PDEA emblem and logo to any T-shirts or tarpaulins.”
Nanawagan ang PDEA official sa publiko “to report any incident, individual or group of persons who faked themselves as PDEA agents or personnel by exploiting the noble PDEA green uniform and badge just to adeptly perform illegal activities or extortions in order to ensure impunity.”
Ayon sa PDEA-Caraga, maaaring ipadala sa ahensiya ang mahahalagang impormasyon sa kanilang 24/7 hotline numbers: 099856 5063 o 09173261300. (PNA)