Ni Beth Camia

Pagtutuunan ngayon ng pansin ng Department of Tourism (DoT) ang pagpapaunlad sa mga tourist destination sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM).

Idinahilan ni DoT Assistant Secretary Eden Josephine David na kaisa ng ARMM ang kagawaran sa kampanya nitong “Go South, Go Mindanao”.

Mayaman, aniya, sa white sand beaches, palm at coconut trees ang rehiyon, bukod pa sa malinaw ang karagatan ng Tawi-Tawi.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Marami aniyang itinatagong-yaman ang Tawi-Tawi na hindi pa nadidiskubre ng mga turista.

Kaugnay nito, ilulunsad ang tourism plan upang hikayatin ang mga hotel at restaurant sa lugar na makibahagi sa pagpapaunlad ng turismo sa lugar.