Ni Nitz Miralles

NAG-STORYCON na ang My Guitar Princess, isa sa mga bagong show ng GMA-7 na any day now ay magsisimula na rin ang taping, kahit hindi pa umeere ang Ang Forever Ko’y Ikaw na sinasabing papalitan nito.

JULIE ANNE copy

Bida at title role sa My Guitar Princess si Julie Anne San Jose at leading men niya sina Gil Cuerva at Kiko Estrada. Sa nakita naming photos na lumabas sa presscon, kasama sa cast sina Sheryl Cruz, Isabelle de Leon, Jazz Ocampo at Maey Bautista. Bagong love triangle at bagong love team ang ipakikilala ng network sa morning series na rom-com/musical ang tema.

Karina Bautista, PH navy reservist na

Kapag nagsimula na ang My Guitar Princess, magiging tatlo na ang regular shows ni Julie Anne dahil may Pepito Manaloto at Sunday Pinasaya pa siya. Hit ang dalawang singles na Nothing Left at Your Song, may concert at busy ang schedule, kaya hindi totoo ang sinasabi ng haters at bashers niya na walang nangyayari sa kanyang career.

Idagdag pa na masaya ang love life ni Julie sa boyfriend niyang si Benjamin Alves. Magdadalawang taon na ang relasyon ng dalawa at kahit open sila, ayaw nilang masyadong pinag-uusapan ang tungkol sa kanila sa mga interview.

Ang lagi nilang sinasabi, masaya sila, nagkakaintindihan at ‘yun ang importante.

Speaking of bashers, hindi nakaligtas sa kanila nang i-post ni Julie Anne ang picture niyang naka-two-piece at kuha sa taping ng Pepito Manaloto sa Baler, Aurora sa Quezon. Kung anu-anong pamba-bash na naman ang sinabi laban kay Julie Anne na in fairness, hindi pumapatol.