Ni Light A. Nolasco  

BALER, Aurora - Anim na preso ng Aurora Provincial Jail sa Baler ang nasugatan nang sumiklab ang riot, nitong Sabado ng gabi.

Sa pagsisiyasat ni Amado de Luna, provincial jail warden, dakong 7:20 ng gabi nang mangyari ang insidente.

Aniya, nagsimula ang gulo sa Selda No. 8 matapos umanong magkapikunan ang mga preso sa hindi natukoy na dahilan.

Matapos ang kaguluhan, anim na preso ang bumulagta at isinugod sila sa Aurora Memorial Hospital (AMH).

Probinsya

Lalaking nasakote ng pulisya sa pagnanakaw ng avocado, tumakas at nang-hostage ng buntis!

Kaagad namang inihayag ni de Luna na “isolated case” lamang ang insidente at gumagawa na ng hakbangin ang kanilang pamunuan upang hindi na ito maulit.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang ilang improvised knife na gawa sa lagaring bakal, na ginagamit sa wood crafts ng mga bilanggo.