WELLINGTON (AP) – Sinabi ng isang opisyal ng Papua New Guinea na umabot na sa 55 katao ang kumpirmadong namatay mula sa malakas na lindol noong nakaraang linggo at posibleng lalagpas pa sa 100 ang bilang na ito.

Na-trauma ang survivors sa mas maraming pagyanig, at ang pinakamalakas na aftershock ay ang magnitude 6.7 na lindol nitong Miyerkules ng umaga, ayon kay Southern Highlands Governor William Powi.

Winasak ng magnitude 7.5 na lindol noong Pebreo 26 ang mga bahay at nagbunsod ng landslide sa liblib na rehiyon kayat mabagal ang pagdating ng mga impormasyon.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture