Ni Genalyn D. Kabiling

Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na buksan ang kanyang mga bank account sa anti-corruption probers, ngunit hindi sa kanyang mga kalaban para maiwasan ang “fishing expedition.”

Sa panunumpa ng mga opisyal ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa Malacañang nitong Martes, sinabi ng Pangulo na bibigyan niya ng awtorisasyon ang bagong ahensiya upang silipin ang kanyang bank records para mabura ang mga espekulasyon na mayroon siyang hindi maipaliwanag na yaman.

Iginiit ni Duterte na ang kanyang yaman ay hindi lalagpas sa P40 milyon, at bababa siya sa puwesto kapag napatunayan na siya ay nagsisinungaling.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“You want to know my bank accounts? I’ll give it to you, right now. Walang biro. I will not take it against you,” sinabi ng Pangulo sa mga opisyal ng PACC officials sa pamumuno ni Dante Jimenez.

“Anytime, I will give you the authority, honestly, wala kayong makuha. If it exceeds 40 million, kasali ko na ang inheritance ko noon, magsobra diyan, I step down,” aniya.

Gayunman, tumanggi ang Pangulo na pahintulutan ang mga kalaban niya sa politika na silipin ang kanyang financial accounts.

“Pero ikaw kalaban ko sa politika, if you want evidence, do not get it from my mouth or make me do the effort…You go to hell,” aniya.

Inaakusahan ni Senator Antonio Trillanes IV si Duterte na mayroong mahigit isang bilyong pera sa bangko.