Ni Nitz Miralles
HINDI uso kina Julia Barretto at Gabbi Garcia ang network war dahil present ang isa’t isa sa importanteng ganap sa mga buhay nila.
Gaya na lamang sa nakaraang advance birthday party ni Julia, dumating si Gabbi at game na nakisaya sa mga bisita ng ABS-CBN talent.
Si Gabbi lang yata ang GMA-7 talent sa party, pero hindi siya nailang dahil matagal na niyang kilala ang pamilya ni Julia. Bago pa pumasok sa showbiz, friends na sila dahil classmates sila sa St. Paul Pasig.
Dahil magkaibigan, maiintindihan ni Gabbi na sa halip na siya, si Joshua Garcia ang susuportahan ni Julia sa 2018 Nickelodeon Kids’ Choice Awards. Parehong nominated sina Gabbi at Joshua sa Fave Pinoy Newbie category.
Samantala, kababalik lang ni Gabbi from Bangkok for a TVC shoot. Hindi lang alam kung bagong endorsement ito o para sa Maybelline na siya ang bagong endorser. Kasama na siya ni Liza Soberano na Maybelline endorser din.
Pagbalik ni Gabbi, nag-taping agad siya ng Sherlock Jr., at hinihintay na ng fans nila ni Ruru Madrid ang ipinangakong kilig scenes ng mga writer at ni Direk Rechie del Carmen. -