Ni Entertainment Tonight

NAGKAROON ng problema si Dwayne Johnson at kanyang pamilya nitong nakaraang linggo.

Jasmine at Dwayne copy

Ibinahagi ng 45 taong gulang na aktor sa Instagram nitong Martes na si Jasmine, dalawang taong gulang na anak nila ng kanyang buntis na girlfriend na si Lauren Hashian,  ay naospital, ngunit maayos na ang kalagayan nito.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

“Things got a lil’ hairy this weekend. Thank you LAFD first responders & UCLA medical team,” saad niya sa clip na may paliwanag niya kung ano ang nangyari. “We’re grateful to you all and if you ever need anything, I got your back.”

“This past Saturday night something happened to me and my family that I would never want to happen to any of you guys out there. But of course emergencies do happen,” sabi ng Baywatch star sa video. “We were up all night in the emergency room. We had something scary that happened with our little baby girl, Jasmine.

“She’s OK now, thank God,” lahad niya bago pinasalamatan ang team na umasikaso sa kanyang anak.

Bagamat hindi nagbigay ng detalye si Johnson tungkol sa nangyari, pinaalalahanan niya ang mga magulang na maaaring dumaan din sa ganoong sitwasyon.

“To all you mommies and daddies out there, when emergencies like this happen, I would just highly recommend that you stay as calm and as focused as possible because our little babies energetically, they pick up on what we’re putting out,” sabi niya. “Especially in times of stress.”

Sina Johnson at Hashian ay magkakaroon na ng pangalawang anak sa lalong madaling panahon. Ang aktor ay ama ng 16 taong gulang na si Simone mula sa kanyang nakaraang relasyon.