Ni Mary Ann Santiago

Namatay ang isang motorcycle rider makaraang maaksidente ang kanyang motorsiklo sa Marikina City, kahapon ng madaling araw.

Dead on arrival sa pagamutan si Joshua Calalim, nasa hustong gulang, sanhi ng tinamong mga sugat sa ulo at katawan.

Sa ulat ng Marikina City Police, dakong 12:18 ng madaling araw nang mangyari ang aksidente sa A. Bonifacio Avenue, sa Barangay Jesus Dela Peña ng lungsod.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sakay si Calalim ng isang Suzuki motorcycle at bumibiyahe sa lugar nang pagsapit sa isang kurbadang bahagi ng kalsada ay aksidenteng rumampa ang motorsiklo niya sa gutter.

Sa lakas ng pagkakabangga, nahulog at nabagok ang ulo sa sementong kalsada habang bumangga naman sa isang poste ng kuryente ang nasabing motorsiklo.