NAGPATULOY ang pagwawagi ng GMA Network sa nationwide TV ratings ayon sa latest data mula sa ratings service provider na Nielsen TV Audience Measurement.

Nitong Pebrero (base sa overnight data ang Pebrero 18 hanggang 24), nanatili pa ring most watched TV station ang GMA na nagtala ng average total day people audience share na 43.6 percent sa National Urban Television Audience Measurement (NUTAM), mas mataas sa 37.9 percent ng ABS-CBN.

Nakapagtala naman ng 42.5 percent people audience share ang GMA sa morning block sa NUTAM na mataas kumpara sa 33.7 percent ng ABS. Samantala, mas mataas ang lamang ng GMA sa afternoon block na may 48.4 percent laban sa 35.3 percent ng ABS.

Panalo pa rin ang GMA sa lahat ng time blocks sa Urban Luzon at Mega Manila na bumubuo sa 76 at 59 percent ng kabuuang urban TV viewers sa bansa.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Sa Urban Luzon, nakakuha ang Siyete ng 49.1 percent total day people audience share, samantalang 31.4 percent lang ang sa Dos.

Gayon din sa Mega Manila (base sa official data mula Pebrero 1 hanggang 24), Kapuso Network pa rin ang nangunguna na may 52.1 percent total day people audience share habang 27.6 percent lang ang sa Kapamilya.

Namayagpag pa rin nitong Pebrero bilang most-watched GMA program nationwide ang award-winning news magazine show na Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) na sinundan ng Magpakailanman, Kambal Karibal, Pepito Manaloto, 24 Oras, Sherlock Jr., All-Star Videoke, Daig Kayo ng Lola Ko, at Ika-6 na Utos.

Kabilang din sa mga consistent na mataas sa ratings ang Sirkus, The One That Got Away, The Stepdaughters,24 Oras Weekend, Eat Bulaga, Tadhana, Impostora, Sunday Pinasaya, at Haplos.

Sa listahan ng top programs sa Urban Luzon, walong (8) Kapuso shows ang pasok sa top 10 habang nakuha rin ng GMA ang top 9 spots sa Mega Manila.

Samantala, mapapanood na ng mas makulay, mas malinaw, at mas maganda ang Kapuso channels dahil nasasagap na ang GMA digital TV signal sa buong Metro Manila pati na rin sa Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan, Bataan, Nueva Ecija, at Pampanga. Kinakailangan lang na mag-rescan upang ma-access ang GMA-7 at GMA News TV sa digital TV boxes.