Ni Liezle Basa Iñigo

LINGAYEN, Pangasinan - Winakasan ng isang estudyante ang kanyang buhay matapos itong magbigti sa loob ng isang lumang simbahan sa Lingayen, Pangasinan nitong Miyerkules.

Sinabi ni Lingayen Police chief, Supt. Fidel Junio na nadiskubre ang bangkay ni Patrick Jamilla, 18, binata, sa hagdanan ng isang simbahan sa Barangay West Poblacion.

Narekober sa lugar ang cell phone ng binata, kung saan naroon ang suicide note nito.

Probinsya

Tatay na patungo sanang Negros para sa anak na may sakit, nawawala!

Paliwanag ni Supt. Junio, maaaring dinamdam ni Jamilla ang hindi umano pagpapahalaga ng pamilya nito sa binata.