Ni Leandro Alborote

BAMBAN, Tarlac – Sinunog ni mister ang sarili nilang bahay makaraang mag-away sila ng kanyang misis sa Rolling Hills, Barangay San Nicolas, Bamban, Tarlac, kahapon ng umaga.

Sa report ng pulisya, ang nanunog ay si Benjamin Macaraeg, Jr., 35, na umano’y napikon sa pakikipagtalo sa asawa hanggang sa sunugin ang tinitirahang bahay.

Kaagad namang humingi ng tulong sa kapitbahay ang kanyang misis at naaresto ng pulisya ang suspek.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Pansamantalang nakadetine ngayon si Macaraeg sa Bamban Police Station at nahaharap sa kasong arson.