Ni Francis T. Wakefield

Patuloy ang monitoring ng militar sa pagkilos ng mga terror group sa Mindanao, kasunod ng pahayag ng Australian authorities na muling nagre-regroup ang mga terorista sa bansa makaraang magapi ang mga ito sa Marawi siege noong Oktubre 2017.

Ito ang reaksiyon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman at kasalukuyang Civil Relations Service (CRS) chief, Brig. Gen. Bienvenido Datuin.

“The AFP is continuously monitoring and verifying every information related to any alleged movements of terror groups. We are in constant coordination with our foreign and local counterparts to address the scourge of terrorism,” ani Datuin.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Hindi lamang, aniya, sinisiyasat ng security sector ang kakayahan ng mga armas ng organisasyon ng mga terorista, kundi iniimbestigahan din ang financial at logistic line ng mga ito.

Lahat, aniya, ng impormasyong nag-uugnay sa grupo ng terorista ay bineberipika nila upang hindi sila malusutan.

Una nang inihayag ni Australian Ambassador to the Philippines Amanda Gorely na bumubuo muli ng grupo ang mga teroristang nasa likod ng Marawi siege, na tumagal ng limang buwan.