Ogie at Leila
Ogie at Leila

Ni NORA CALDERON

PUMIRMA ng recording contract sa Star Music label ng ABS-CBN last January 31 si Leila Alcasid, ang panganay ni Ogie Alcasid kay Michelle van Eimereen. Si Ogie ang tumatayong manager ng anak.  

Hindi napigilang mapaiyak si Ogie dala ng labis na kasiyahan, tuwa, halu-halo na siguro ang naramdaman niya.  

Human-Interest

Perwisyo! Netizen gumanti sa kapitbahay na nagparada ng kotse sa harap ng bahay niya

“I’m so proud of my daughter,” aniya.

Pero lalong natuwa si Ogie nang mag-debut na ang first digital single ni Leila na #completelyinlove sa Spotify dahil pumasok agad ito sa Top 20. Nag-post agad si Ogie sa Instagram ng’ “#completelyinlove debuts at no. 17!!!  Congrats anak @leilaalcasid #apotify #togodbetheglory.”

Kinabukasan simula nang ilabas sa Spotify, umakyat agad ito sa no. 11 spot.  Kaya lalo pang naging emosyonal si Ogie at ipinagmalaki ang anak.  

Sabi ng proud daddy, bukod sa Spotify ay puwede na ring ma-download ang song ni Leila sa iba pang digital media platforms.  

Kanino pa ba naman magmamana si Leila kundi sa amang songwriter at mahusay na singer.  Congratulations!