Ni Leandro Alborote

PANIQUI, Tarlac - Dalawang kaso ang kinakaharap ng isang 41-anyos na lalaki nang mahulihan umano ng ilegal na droga at baril, nitong Miyerkules ng gabi.

Si Marlon Baun, ng Barangay Poblacion Norte, ay nakakulong ngayon sa himpilan ng Paniqui Police, at nahaharap sa illegal possession of firearms at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165).

Sinabi ng imbestigador na naglatag sila ng buy-bust operation laban kay Baun matapos silang makatanggap ng impormasyon na nagbebenta ito ng ilegal na droga sa kanilang lugar.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Nakumpiska kay Baun ang hindi pa mabatid na halaga ng hinihinalang shabu, isang homemade .38 caliber revolver, at mga bala nito.