Ni Gilbert Espeña

TATANGKAIN ng walang talong si Reymart Gaballo na magtala ng ikatlong sunod na panalo sa abroad sa pagkasa sa undefeated ding Amerikano na si WBA-NABA bantamweight champion Stephon Young sa Marso 23 sa Seminole Hard Rock Casino sa Hollywood, Florida sa United States.

May rekord na perpektong 18 panalo, 16 sa knockouts, ito ang ikatlong laban ni Gabalo sa ibayong dagat matapos patulugin sa 2nd round sa Hawaii ang beteranong Mexican na si Ernesto Guerrero at dumayo sa Mexico para idispatsa sa loob ng anim na rounds si Mexican super bantamweight Ulises Rivero.

Wala ring talo sa rekord na 17 panalo at tatlong tabla na may pitong knockouts, natamo ni Young ang WBA-NABA bantamweight crown nang talunin sa 10-round majority decision si Juan Antonio Lopez ng Mexico at sa huling laban ay pinatulog sa 1st round ang kababayang si Antwarn Robinson.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sinabi ng promoter ni Gaballo na si Jim Claude Manangquil, sa RingTV.com. na 12 rounds ang sagupaan dahil paglalabanan ng Pinoy boxer at ni Young ang interim WBA bantamweight title.

“Gaballo will have his big opportunity, and we know this is his time to introduce himself as one of the next big things from the Philippines,” sabi ni Manangquil na president ng Sanman Promotions. “He has a big punch and crowd-pleasing style that gives a show all the time, similar to the boxer who is a senator now from the Philippines.”

“We are not looking past Stephon Young. We are locked in with him now, and once Gaballo beats him, then we know Gaballo will be in the conversation with top bantamweights,” dagdag ni Manangquil.

Nakalistang No. 4 contender ni WBA bantamweight champion Ryan Burnett ng United Kingdom si Young at No. 14 siya sa WBO rankings tulad ni Gaballo na ranked No. 15 sa kampeong si Zolani Tete ng South Africa.