Ni Erwin G. Beleo

SAN FERNANDO CITY, La Union - Iniutos ng Sandiganbayan na makulong ng tig-40 taon ang alkalde ng La Union at pitong iba pa kaugnay ng pagkakasangkot nila sa maanomalyang pagbili ng fogging chemicals noong 2005 at 2006.

Depensa ng 1st Division ng anti-graft court, guilty si Tubao, La Union Mayor Dante Garcia at pito pa niyang kapwa akusado sa paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) dahil sa nabanggit na anomalya.

Kasama sa hinatulan sina Rosemary Magwa, Dominador Aquino, Rosita Palaroan, Domingo Estoesta, Clarita Gaburian, Gina Collado, pawang miyembro ng bids and award committee; at chemical supplier na si Roger Crisostomo.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“In the service of their sentences, the duration of total imprisonment for each of the accused shall not exceed to 40 years,” ayon sa korte.

Isinagawa ang pagbili ng kemikal noong Agosto 19 at 30, Setyembre 15, at Nobyembre 10 noong 2005; at Hunyo 1, Hulyo 12, Hulyo 19, at Hulyo 27, 2006.

“Each violation of the nine irregular transactions has a penalty of six years to 15 years imprisonment and perpetual disqualification from public office,” paliwanag ng hukuman.

Kinuwestiyon naman ng mga akusado ang nasabing desisyon dahil marami umano itong “butas”.