John Ambuludto (PBA Images)
John Ambuludto (PBA Images)

Laro sa Lunes (JCSGO Gym-Cubao, Q. C.)

2 n.h. -- AMA vs Batangas-EAC

4 n.h. -- Gamboa Coffee Mix-St. Clare vs JRU

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

TARGET ng Gamboa Coffee Mix-St. Clare College na mapatatag ang kapit sa ikatlong puwesto sa pakikipagtuos sa Jose Rizal University ngayon sa 2018 PBA D League Aspirants Cup.

Magtutunggali ang Coffee Lovers at Heavy Bombers sa huling laro ng nakatakdang dalawang laban ngayong 4:00 ng hapon pagkatapos ng unang salpukan sa pagitan ng AMA Online Education at Batangas-Emilio Aguinaldo College ganap na 2:00 ng hapon.

Magkabaligtad ang panggagalingan ng dalawang koponan dahil matapos mabigo sa unang laban, nagtala ng dalawang dikit na panalo ang Coffee Lovers pinakahuli kontra Mila’s Lechon habang manggagaling naman ang Heavy Bombers sa unang kabiguan sa kamay ng University of Perpetual makaraang magwagi sa unang dalawa nilang laro.

Samantala, sigurado namang hahanapan ng kaukulang adjustment ng kanilang pinakabatang coach na si Gio Lasquety ang naging kakulangan nila sa gitna kung saan sinagasaan sila ng Altas sa pamamagitan ng Nigerian na si Prince Eze na tumapos bilang ika-anim na manlalaro sa ligang nakapagtala ng triple double performance.

Tiyak na hindi na basta pahihintulutan ng JRU na maulit ang nangyari at tiyak na paghahandaang mabuti ang foreign player ng Gamboa na si Mohammad Pare.

Mauuna rito, kapwa nasa ilalim ng standings makaraang mabigong magwagi pagkaraan ng tatlong laro, sisikapin ng Titans at ng Generals na makaiwas na mabaon sa ilalim ng team standings. - Marivic Awitan