1 copy

Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(MOA Arena)

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

8 am UP vs. UE (M)

10 am Ateneo vs. FEU (M)

2 pm UP vs. UE (W)

4 pm Ateneo vs. FEU (W)

SINIMULAN ng last season losing finalist National University ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng 25-23, 25-19, 25-20 panalo kontra Adamson kahapon sa 80th UAAP men’s volleyball tournament sa MOA Arena.

Nagpamalas ng steady performance ang national team standout na si Bryan Bagunas kasama ng mga beteranong hitters na sina Fauzi Ismail at Kim Malabunga upang pamunuan ang panalo ng Bulldogs.

Umiskor si Bagunas ng 16-puntos na kinabibilangan ng 14 na attacks habang nagtala naman si Ismail ng 8 kills at tig -tatlong blocks at aces na sinundan ni Malabunga na may 10 puntos.

Sa ikalawang laban, pinahirapan ng De La Salle University ang isa sa mga last season semifinalist University of Santo Tomas bago isinuko ang laro na napuwersa nilang paabutin sa limang sets.

Napag -iwanan ng Tigers na mas piniling tawaging Golden Sports ng kanilang mentor na si Odjie Mamon, naitabla ng Green Archers ang laro at naihirit ang decider frame matapos ipanalo ang third at fourth sets sa pamumuno ng nagbabalik mula sa MCL injury na si Raymark Woo at Arjay Onia.

Ngunit, pagdating ng fifth set, nagsanib puwersa sina Joshua Umandal at JV Sumagaysay upang pigilin ang lahat ng pagsusumigasig ng Green Spikers na agawin sa kanila ang panalo.

Nagposte si Umandal, isang transfreree mula University of the East ng 21 puntos na kinabibilangan ng 20 attacks ar isang ace para pangunahan ang naturang panalo ng Golden Spikers.