Ni Gilbert Espena

TUMIMBANG si IBF super flyweight champion Jerwin Ancajas ng 114 3/4 pounds, samantalang mas magaan si Mexican challenger Israel Gonzalez sa 114 pounds sa isinagawang weigh-in para sa kanilang duwelo ngayon sa American Bank Center sa Corpus Christi, Texas sa US.

1 copy

Ipalalabas nang live ng ESPN sa Channel 5 dakong 10:00 ng umaga ang ikaapat na depensa ni Ancajas mula nang matamo ang korona kay McJoe Arroyo ng Puerto Rico na napabagsak niya sa 8th round upang talunin sa 12-round unanimous decision sa sagupaan sa Cavite noong 2016.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Gustong magpasiklab ni Ancajas sa buong mundo kaya nangakong iuuwi muli sa Pilipinas ang IBF title sa magandang panalo laban sa mayabang na si Gonzalez.

Sa kanyang unang depensa noong Enero 2017 sa Macau, China ay tumagal lamang hanggang 8th round si dating world champion Jose Alfredo Rodriguez na isa ring Mexican.

Nasundan ito ng ikalawang depensa niya nitong Hulyo 2017 sa Brisbane, Australia kung saan pinatulog niya sa 7th round si mandatory challenger Teiru Kinoshita ng Japan na nasaksihan ni Top Rank big boss Bob Arum na nagpapirma sa kanya ng 6-fight na kontrata.

Sa kanyang huling depensa nitong Nobyembre 2017 sa Belfast, United Kingdom, napatigil niya sa 6th round ang walang talong Briton na si Jamie Conlan kaya nangako siyang patutulugin rin si Gonzalez.

“Jerwin has a real shot to be a big, big player in boxing. He has great attitude. He has a lot of skills. He is a very, very exciting fighter,” pahayag ni Arum sa media conference. “I saw him on the Pacquiao-Horn fight card and he looked tremendous and when the opportunity came for us to sign him we didn’t hesitate to sign him. I think he is a great great addition to Top Rank boxing,” aniya.

Tiniyak ni Arum na isasabak rin niya sa Ancajas sa hanggang tatlong laban sa taong 2018.

“If we are doing a fight in Vegas, he will be in the card and if we are doing a fight somewhere else he will be in the card. I don’t want to pigeonhole to a particular city or particular region,” ayon kay Arum.

“He is so exciting and we can make such good fights for him that he can fight any place.”

Ibinida naman ni Gonzalez na handa siyang agawin ang titulo mula sa Karibal na Pinoy.

“We didn’t come to play. We came to take that title from Ancjas. And I promised Mexico to take that title,” pahayag ni Gonzales.