Ni Gilbert Espena

PINATUNAYAN ni Grandmaster-elect Ronald ‘Titong’ Dableo ang kanyang posisyon bilang isa sa Philippine top chess players matapos maidepensa ang kanyang korona tungo sa pagsukbit ng titulo ng 4th Red Kings Year-Opener Chess Individual Tournament na ginanap sa Tiendesitas Mall, Ortigas Avenue, Pasig City.

Ang ipinagmamalaki ng Trabajo, Manila na si Dableo, head coach ng University of Sto. Tomas Chess Team at isa sa top players ng Philippine Army chess team, ay nakipagtabla kay Fide Master Christopher Castellano ng Cainta, Rizal sa final round para tumapos na malinis na kartada na may 6.5 puntos sa seven round tournament.

Naibulsa ni Dableo ang P5,000 top purse sa one day National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sanctioned tournament na inorganisa ni Fide Master Nelson “Elo” Mariano III na pinangasiwaan naman nina National arbiters Alexander “Alex” Dinoy at Alfredo Chay ng Chess Arbiter Union of the Philippines (CAUP) sa pakikipagtulungan ng En Passant Chess Association at ng Ortigas and Company.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Si Dableo din ang kampeon sa November edition na ginanap sa Letran College sa Intramuros, Manila.

Habang sa panig naman ni Castellano, isang University of the Philippines (UP) Diliman conservatory of Music tenor graduate ay tumapos ng 3rd overall na may 6.0 puntos.

May 6.0 points din matapos ipatupad ang tie break points ay sina runner-up place Fide Master (FM) Austin Jacob Literatus ng Davao City, 4th place 13th times Philippine Open champion Grandmaster (GM) Rogelio “Joey” Antonio Jr. ng Quezon City, 5th place International Master (IM) Joel Pimentel Jr. ng Bacolod City at 6th place National Master (NM) Bob Jones Liwagon ng Davao City.

Ang mga nagwagi naman sa kani-kanilang kategorya ay sina Rhenzi Kyle Sevillano ng Cebu (top College), Chester Neil Reyes ng Rodriguez, Rizal (top 14 and below), Ynna Sophia Canape ng Marikina City (top female), Joshua Marquez ng Caloocan (top 2000) at Ferdinand Aviles ng Quezon City (top 2100).