NASIKWAT ni Filipino Fide Master (IM) elect Daniel Quizon ang runner-up honors sa 2018 “Boyi Cup” China Youth Chess International Open Tournament sa Harbin, China nitong Linggo.

Naikamada ng Taytay, Rizal native Quizon, residente ng Dasmarinas, Cavite ang crucial wins kontra kay Agibileg Uurtsaikh ng Mongolia sa ninth at final round para tapusin ang kanyang kampanya sa pagtala ng 7.5 points mula seven wins, one loss at draw sa nine outings.

Giniba ni Grandmaster Bai Jinshi of China si Fide Master (FM) Tugstumur Yesuntumur ng Mongolia sa final canto tungo sa coveted title. Nakakolekta siya ng 8.5 puntos mula saw along panalo at isang draw. Ang nag-iisang draw niya ay kay Quizon sa 8th at penultime round nitong Sabado. Si Quizon na nahasa ang kanyang chess skills sa guidance ni personal chess coach/trainer candidate master Herny Villanueva ay nagwgai din sa 7th round match kay WIM Uuriintuya Uurtsaikh ng Mongolia nitong Sabado.

Nagtala naman ang isa pang Filipino Fide Master (IM) elect Michael Concio Jr. ng three consecutives wins tungo sa 6.5 points mula six wins, two loses at draw. Si Concio na taga Los Banos, Laguna na residente na din ngayun ng Dasmarinas, Cavite ay tinalo sina Wang Jingyu ng China sa seventh round, Yu Feiran ng China sa eight round at WIM Uuriintuya Uurtsaikh ng Mongolia sa ninth round.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Matapos ang tie break points, si Concio ay overall 6th place na kinabibilangan nina fellow 6.5 pointers eventual 4th place Agibileg Uurtsaikh ng Mongolia, 5th place Ning Kaiyu ng China, 7th place Cheng Yuanda ng China at 8th place Hu Yu A. ng China. Naisubi naman ni Peng Hongchi ng China ang overall 3rd place na may 7.0 points.

Tumapos si Jerlyn Mae Moralde San Diego ng Dasmarinas, Cavite sa overall 19th place na may 5.5 points habang si Woman Candidate Master Kylen Joy Mordido ng Dasmarinas, Cavite ay overall 22nd place na may 5.0 points.

Lubos naman ang pasasalamat ni National Coach International Master (IM) Roel Abelgas kina Dasmarinas, Cavite mayor Elpidio “Pidi” Barzaga Jr. at congresswoman Jenny Barzaga na tumulong sa round trip ticket at allowances ng Filipino youth players habang ang Philippine Sports Commission (PSC) at National Chess Federation of the Philippines (NCFP) ang tumulong naman sa hotel accomodation.