Ni Annie Abad

MABUSISING pagsisiyasayat sa mga atleta at coaches kung karapa’t dapat ba silang bigyan ng malaking allowances o hindi ang siyang pinagtutuunan ng pansin ngayon ng Philippine sports commission (PSC).

ramirez copy

Ito ang siyang ipinahayag kahapon ni PSC chairman William “Butch” Ramirez sa isinagawang 28th PSC Anniversary press conference kasama ang kanyang apat na commissioners na sina Ramon Fernandez, Celia Kiram, Charles Maxey at Arnold Agustin, gayundin sina Executive Director Atty. Sannah Frivaldo at PSI National training Director Marc Velasco.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“We are not in a hurry to announce the budget for the athletes, however we need to check kung on the credentials performances ganun din sa mga coaches, kung bakit kailangan na makatanggap ng malaking allowance halimbawa ang coaches, ano ba nag credentials nila, ano yung performances niya para alam natin if they deserve yung tinatanggap nila,” pahayag ni Ramirez.

Kaugnay nito, ipinagmalaki din ng PSC na magkakaroon na ng smart ID para sa mga atleta upang matukoy ang kanilang credentials, kung saan nagtapos ang pag aaral ang mga ito at kanilang mga performances.

“Para halimbawa may nagtanong with regards to this particular athlete, may maisasagot na tayo kung ano ba ang nagawa ng atleta na ito, kung saan siya nagtapos ng pag-aaral o kung ano ang performance niya,” dagdag pa ni Ramirez.

Ikinuwento rin ni Ramirez at ng kanyang mga commissioners ang kanilang mga nagawa sa nakalipas na taon at mga plano ngayong taong 2018 kung saan ay lalo pang paigtingin ang paghubog sa grassroots program ng PSC.

“President Rodrigo Duterte wants sports to reach the community. So sabi niya kailangan talaga na magsimula sa kabataan lalo sa mga indigenous para mahubog ang mga kabataan na ito sa sports at umangat ang buhay. That’s why we are very thankful to the President kasi kaiisa natin siya sa pag papalaganap ng sports sa buong bansa lalo na sa mga kabataan,” dagdag pa ni Ramirez.