Ni Bella Gamotea

Daan-daang pasahero ang na-stranded sa pinalawak na kampanyang “Tanggal Bulok,Tanggal Usok” ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) sa Laguna at Cavite kahapon.

Pagpatak ng 9:00 ng umaga, sinimulan ng I-ACT ang operasyon laban sa mga bulok at mauusok na public utility vehicles (PUVs) sa Pacita Complex sa San Pedro, Laguna hanggang umabot sa Cavite.

Nahirapang makasakay ang mga pasahero dahil halos walang jeep at UV Express na namasada sa takot na mahuli at mahatak.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Ilan sa mga pasaherong na-stranded ay sa bahagi ng San Pedro, Laguna; Alabang, Muntinlupa City; Las Piñas City; at Bacoor, Cavite.

Katuwang ng I-ACT sa pagpapatupad ng kampanya ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Land Transportation Office (LTO), pulisya at mga lokal na pamahalaan.

Ayon kay I-ACT Communication head Elmer S. Argano, nasa 31 sasakyan ang hinuli sa iba’t ibang paglabag sa batas-trapiko, habang idiniretso sa impounding area ang limang motorsiklo.