Ni Fer Taboy

Nagsilikas ang aabot sa 900 residente sa takot na madamay sa sumiklab na away ng dalawang kumander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Maguindanao, kahapon ng madaling araw.

Sa report ng Maguindanao Police Provincial Office (MPPO), sumiklab ang labanan nina Kumander Sindatok at Kumander Datu Andap dakong 4:00 ng umaga sa Sitio Madap, Barangay Madia, sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan.

Ayon sa ulat ng pulisya, naging matindi umano ang palitan ng putok nina Kumander Sindatok at Kumander Andap, kaya naman nag-alsa-balutan ang mga residente.  

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

May hinala ang pulisya na alitan sa pamilya at agawan sa lupa ang dahilan sa gulo ng dalawang pamilya, na lumala dahil nabahiran pa ng pulitika.

Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa batid kung may nasugatan o nasawi sa magkabilang panig, habang patuloy ang bakbakan ng magkabilang kampo.