WELCOME! Kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang miyembro ng kanyang Gabinete nang hinarap niya ang dalawang sumukong miyembro ng New People’s Army sa Matina Enclaves sa Davao City nitong Sabado. Enero 15 nang sumuko sa South Cotabato ang mag-asawang “Efren” at “Wendy” (kanan).
WELCOME! Kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang miyembro ng kanyang Gabinete nang hinarap niya ang dalawang sumukong miyembro ng New People’s Army sa Matina Enclaves sa Davao City nitong Sabado. Enero 15 nang sumuko sa South Cotabato ang mag-asawang “Efren” at “Wendy” (kanan).

Ni Argyll Cyrus B. Geducos

Tumanggi ang gobyerno ng Pilipinas na magkaroon ng anumang papel sa kasalukuyang maritime issue sa pagitan ng China at Amerika, kahit pa inaangkin ng bansa ang Scarborough Shoal sa Zambales.

Iprinotesta ng gobyernong Chinese ang pagpuwesto ng warship ng Amerika malapit sa Scarborough Shoal, o Bajo de Masinloc, at nagbantang gagawin nito ang lahat upang protektahan ang soberanya nito.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Matagal nang inaangkin ng China ang Scarborough mula sa Pilipinas.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ayaw makisali ng Malacañang sa usapin sa pagitan ng dalawang pinakamakakapangyarihang bansa, at naniniwalang kayang-kaya ng mga itong resolbahin ang sariling problema.

“We do not wish to be part of a US-China intramural. The United States can take care of its own interest,” sinabi ni Roque kahapon, kasabay ng paggiit na mananatiling bahagi ng teritoryo ng Pilipinas ang Scarborough Shoal.

“The Philippines’ claim over Scarborough Shoal is recognized under our constitutional law and international law,” ani Roque, tinukoy ang pasya ng Arbitral Court ng United Nations na pumabor sa Pilipinas laban sa China.

Sa panig naman ng Amerika, sinabi nitong ang paglilibot ng barkong pandigma nito sa Scarborough ay bahagi ng “freedom of navigation” nito sa South China Sea.

Bukod sa Pilipinas at China, may kani-kanyang teritoryo ring inaangkin sa South China Sea ang Brunei, Indonesia, Malaysia, Taiwan, at Vietnam.