Russia's Maria Sharapova celebrates after she won over Germany's Tatjana Maria during their first round match at the Australian Open tennis championships in Melbourne, Australia, Tuesday, Jan. 16, 2018. (AP Photo/Vincent Thian)
Russia's Maria Sharapova celebrates after she won over Germany's Tatjana Maria during their first round match at the Australian Open tennis championships in Melbourne, Australia, Tuesday, Jan. 16, 2018. (AP Photo/Vincent Thian)

MELBOURNE, Australia (AP) — Beterano sa laban, ngunit may kabang naramdaman si Maria Sharapova sa muling pagtuntong sa Margaret Court. Ngunit, pansamantala lamang ang nginig sa kanyang katawan.

Matapos ang unang pakikipagpalitan ng baseline shots, nakontrol ni Sharapova ang sarili at ang tempo ng laro tungo sa 6-1, 6-4 panalo laban kay Tatjana Maria sa kanyang unang sabak sa Australian Open mula nang magpositibo sa ipinagbabawal na droga sa 2016 edition.

Pinatawan siya ng 15-buwang banned sa tennis bunsod ng kaganapan.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Sa kanyang pagbabalik, samu’t saring isyu ang kanyang nilagpasan subalit pinatunayan ni Sharapova na may asim pa ang kanyang laro sa major event.

“It’s been a couple of years since I’ve been back here — obviously I wanted to enjoy the moment,” pahayag ng 2008 Australian Open champion at three-time runner-up. “It was really meaningful for me to be out here.”

Posibleng makaharap ng five-time major winner sa second round si No. 14-seeded Anastasija Sevastova, gumapi sa kanya sa US Open sa nakalipas na taon sa kanyang pagbabalik sa Grand Slam tournament.

“I felt like I have got a lot of things out of the way physically and emotionally and mentally last year with — there was a lot of firsts again for me, playing the first tournament, first Grand Slam, and just different feelings and what it would be routinely,” aniya.

Umusad din si Angelique Kerber, ang 2016 champion, matapos pabagsakin ang kababayang German na si Anna-Lena Friedsam, 6-0, 6-4.

“I’m just enjoying it on court again,” sambit ni Kerber.

Tanging si Madison Keys ang nalalabing American women na sasabak sa second ound ng Australian Open. Pawang nasibak sa opening round sina Sloane Stephens, Venus Williams at CoCo Vandeweghe.