Ni Jun N. Aguirre

BORACAY ISLAND - Nagkasundo ang pamunuan ng Department of Tourism (DoT) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) na aayusin ang problema sa drainage at illegal settlers sa isla ng Boracay sa Malay, Aklan.

Nagsagawa ng joint meeting ang DoT at DENR sa private stakeholders sa isla, at nitong Martes ay nagsagawa ang DENR ng aerial inspection sa lugar, sa pangunguna ni DENR Secretary Roy Cimatu.

Ayon kay Cimatu, magkakaroon ng imbentaryo ang DENR sa lahat ng resorts at imprastruktura sa Boracay upang matukoy kung sino ang mga gumagawa ng ilegal.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nangako naman ang DoT, sa pangunguna ni Secretary Wanda Teo, na tatapusin ang proyekto ng drainage sa isla bago matapos ang taong 2018.

Nag-inspeksiyon sa Boracay sina Cimatu at Teo makaraang malubog sa baha ang isla sa pananalasa ng bagyong ‘Urduja’ noong nakaraang buwan.