FILE - In this Sept. 22, 2017, file photo, Pink performs at the 2017 iHeartRadio Music Festival Day 1 held at T-Mobile Arena in Las Vegas. NFL announced Monday, Jan. 8, 2018, that the pop star will perform “The Star-Spangled Banner” before the Big Game on Feb. 4 at U.S. Bank Stadium in Minneapolis. (Photo by John Salangsang/Invision/AP, File)

SI P!nk ang aawit ng US national anthem sa Super Bowl 52 sa Minneapolis sa susunod na buwan, pahayag ng National Football League nitong Lunes.

Ito ang unang paglabas ng 38-anyos na singer sa NFL championship spectacle sa laro sa Pebrero 4, na protektado ng domed stadium sa winter cold ng Minnesota.

“I’m really looking forward to 2018,” tweet ni P!nk. “I’m really excited about the Grammys. Tour. Some other stuff that’s a secret still and I can’t wait til it’s not a secret.”

'Sarap sa pakiramdam!' Kiray mahal na mahal, never niloko ng jowa

Susundan ni P!nk ang mga bituin gaya nina Lady Gaga, Idina Menzel, Kelly Clarkson, Luke Bryan, Alicia Keys, Carrie Underwood, Billy Joel at Beyonce sa pagtatanghal ng The Star-Spangled Banner sa annual championship game.

Ang singer ay nagmula sa suburb north ng Philadelphia at ang kanyang home-region na Philadelphia Eagles ay kabilang sa walong clubs na naglalaban-laban sa Super Bowl.

Si Justin Timberlake ang half-time musical performer sa Super Bowl 52, na magbabalik pagkaraan ng kontrobersiyal na pagtatanghal sa 2004 Super Bowl nang magkaroon ng “wardrobe malfunction” at nakitaan ng dibdib si Janet Jackson.

Ang bagong album ni P!nk’s na Beautiful Trauma, ay inilabas nitong Oktubre at ilalabas naman ni Justin ang pinakabago niyang koleksiyon na Man of the Woods, dalawang araw bago ang palaro.  - AFP