Ni JEFFREY G. DAMICOG

Ipinagmamalaki ng Department of Justice (DoJ) ang pagkakakulong ng tatlong bugaw na umano’y nag-aalok ng mga babaeng teenager sa mga dumaraang motorista sa Marikina City.

Kinilala ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang mga bugaw na sina Marwin Raya, alyas Kevin; Shiela Borromeo, alyas Kate; at Arlie Peña, alyas Ellaine.

“The three were caught in an entrapment operation offering the services of complainants SNRZ and JEC, then 17 years old, to motorists along Marcos Highway, Marikina City,” pahayag kahapon ng Secretary.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“The pimps charge the customers from P1,000–P1,500 for the young women’s services, for which they get a ‘commission’ ranging from P100 – P500 each,” diin niya.

Nalaman din ni Aguirre na ang mga biktima ay “booked” ng tatlong beses sa isang linggo at bawat sa kanila ay “sex with at least two to three men in one night.”

Samantala, pinuri ni Aguirre si Assistant State Prosecutor Karla Cabel sa mga pagsisikap nito na mahuli ang tatlong bugaw.

Sinabi ni Aguirre na hinatulan ng Marikina City Regional Trial Court (RTC) Branch 168 ang tatlong bugaw na guilty beyond reasonable doubt sa Attempted Qualified Trafficking in persons under paragraph [a], Section 4 as qualified under paragraph [a], Section 6 of RA 9208, the Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.

Dahil dito, sila ay sinentensiyahan ng RTC ng tig-15 taong pagkakakulong, may tig-P1 milyon multa, at pinagbabayad ng P50,000 sa bawat complainant bilang moral damages.