Ni NORA CALDERON

Alden Richards
Alden Richards
LABIS-LABIS ang pasasalamat ni Alden Richards sa lahat ng kanyang fans na dumalo sa ipinag-imbita niyang #OneFunDayWithTheBaeAtEK. Isang way iyon ng pasasalamat niya sa supporters niya na patuloy na pagmamahal sa kanya, sa kanila ni Maine Mendoza, simula pa nang magtambal sila sa kalyeserye ng Eat Bulaga at nakilala ang kanilang love team.

As early as 6:00 AM nitong Sabado, Enero 6, sunud-sunod nang dumating sa Enchanted Kingdom (EK) sa Sta. Rosa City, Laguna ang more than 2,000 fans mula sa iba’t ibang lugar. Inilaan din ni Alden ang araw na iyon para sa fans niya, kaya nagpaalam siya sa Eat Bulaga na hindi muna siya magri-report.

Pagdating ni Alden, ang sinabi niya sa kanyang supporters:

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Maraming-maraming salamat na tinanggap ninyo ang aking imbitasyon. Actually, long overdue na po ito. Binalak ko na ito mga two years ago pa kaya lang naging napaka-busy ko po at ngayon mga lamang nagkaroon ng oras. Salamat din sa management ng Enchanted Kingdom na binigyan tayo ng pagkakataon na magamit ito. Sige po, i-enjoy ninyo muna ang mga rides at magkakaroon tayo ng group picture-taking sa bawat fan club.”

Nakakuha pala si Alden ng permiso sa EK na iyong first three hours, from 8:00 to 11:00 AM ay exclusive lang sa fans. Kaya ang saya-saya nilang sumakay sa rides. After 11:00 AM, saka lang nagpapasok ng mga dumating na customers ang theme park.

At hindi binigo ni Alden na lahat ng fan clubs, nakapagpa-picture ang mga ito kasama siya, bukod pa ang picture na kasama naman niya ang administrators ng bawat club. Buffet ang lunch at pagkatapos ay free nang umikot ang mga fans sa loob ng EK.

Kinagbihan ang show ni Alden sa Spacefort sa EK kasama ng ilang GMA Artist Center artists na kinabibilangan ng boy group na Top One Project at One Up, at ng close friends niyang sina Kristoffer Martin, Rodjun Cruz at Bea Binene. Of course, kay Alden ang finale song numbers. Muli siyang nagpasalamat sa lahat ng mga dumalo na hindi talaga umalis hanggang hindi natatapos ang show.

After the show, tinanggap ni Alden ang dalawang trophy na napanalunan nila ni Maine mula sa PEP List, ang PEPsters’ Choice Newsmaker of the Year at ang Celebrity Pair of the Year awards. Magkasunod na taon na nila itong tinanggap mula sa PEP staff, headed by Ms. Jo Ann Maglipon.

Bagong pasok pa lamang ang 2018, pero mukhang magiging busy agad si Alden, hindi lang sa projects at endorsements kundi sa ipagpapatuloy na niyang pagpasok sa music industry. Nakapag-renew na siya ng two-year contract sa GMA Records at magkakaroon uli ng concerts here and abroad. Congratulations!