nba copy

TARGET ng Jr.NBA Philippines, sa pagtataguyod ng Alaska, na makapagturo ng 250,000 kabataan at makatulong sa 900 local coach sa buong kapuluan sa paglarga ng 2018 season simula Enero 13 sa Don Bosco Technical Institute sa Makati.

Tatakbo ang programa na naglalayon na mahikayat ang kabataan na sumabak sa basketball para makaiwas sa anumang uri ng bisyo hanggang sa Mayo. Bukas na ang online registration sa www.jrnba.asia/philippines.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Ang Jr. NBA, global youth basketball program ng liga para sa kabataan, ay nagsasagawa ng pagtuturo sa fundamental skills at core values ng sports sa grassroot level tungo sa elite stage.

Sa nagdaaang season, umabot sa kabuuang 26 milyon mula sa 71 bansa ang nakilahok sa isinagawang camps, clinics, skills challenges, league play at outreach events ng programa.

Libre ang pagpapatala sa paglahok para sa kabataang lalaki at babae na may edad 10-14. May apat na stages na kanilang lalahukan: skills clinics sa eskwelahan at komunidad, Regional Selection Camps, National Training Camp at NBA experience trip. Mula nang sinimulan noong 2007, ang Jr. NBA clinics ay naisagawa sa kabuuang 110 lungsod at munisipalidad sa bansa at ang 2018 calendar ay muling magpapasaya sa mga kabataan sa Agusan Del Norte, Batangas, Benguet, Cavite, Misamis Oriental, at Negros Occidental.

Gaganapin ang Regional Selection Camps sa Bacolod (Feb. 10-11), Butuan (Feb. 24-25), Baguio (March 17-18) at Metro Manila (April 7-8), kung saan ang mangungunang 37 lalaki at 37 babae ay mapipili para lumahok sa National Training Camp sa Manila sa Mayo 2018.

Sa pagtatapos, pipili ng 16 – walong lalaki at walong babae -- na bubuo sa Jr. NBA All-Stars na mapagkakalooban nang karanasan na bumiyahe sa abroad para makasama ang mga kapwa All-Stars mula sa mga bansa sa Southeast Asia.

Sa mga nakalipas na programa, kabilang sa mga alumni ng Jr. NBA sina US NCAA player Kobe Paras, Ateneo stars Kiefer at Thirdy Ravena, collegiate stars Aljon Mariano, Ricci Rivero, at junior standout Kai Sotto.

“For the past 10 years, Jr. NBA Philippines has established itself as a platform to improve the youth basketball experience and promote an active and healthy lifestyle among the Filipino youth,” pahayag ni NBA Philippines Managing Director Carlo Singson. “Together with Alaska, we are committed to providing proper guidelines to how the game should be played and taught to more youth, coaches and parents in the country.”

“As part of our long-standing partnership with the NBA, Alaska Milk Corporation is proud to play an active role in shaping the basketball players of tomorrow through good nutrition and proper life values,” sambit naman ni Alaska Milk Corporation Marketing Director Blen Fernando. “We look forward to making a lasting impact on the lives of aspiring athletes on and off the court through the Jr. NBA program.”