Nagdesisyon ang isang obrero na tapusin ang sariling buhay, sa pamamagitan ng pagbigti, dulot umano ng matinding kahirapan, iniulat kahapon.

Kinilala ang biktima na si Dario Abdon Bricenio, 33, residente ng No. 1320 Gana Compound, Balintawak, Barangay Unang Sigaw, Quezon City.

Nakabigti at wala nang buhay nang matagpuan ni John Arvin Tamayo, kapitbahay ng biktima, si Bricenio sa rooftop ng bahay nito.

Sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (QCPD), napag-alaman sa kaanak ng biktima na hirap sa buhay si Bricenio at bigo rin sa pag-ibig.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon sa awtoridad, posibleng ang mga problema ang nagtulak kay Bricenio na tapusin ang sariling buhay.

Inaalam pa rin ng pulisya kung may foul play sa insidente. - Jun Fabon