TEHRAN (AP) – Humantong sa pinakabayolenteng gabi ang mga protesta sa buong Iran matapos tangkain ng “armed protesters” na lusubin ang mga base militar at istasyon ng pulisya bago sila masawata ng security forces, na ikinamatay ng 10 katao, iniulat ng Iranian state television nitong Lunes.

Ang mga demonstrasyon, pinakamalaking protesta sa Iran simula noong 2009 presidential election, ay nasaksihan ang limang araw nang kaguluhan sa buong bansa, at umabot na sa 13 ang namatay sa kabuuan sa pagkamatay ng isang pulis, inihayag nitong Lunes.

Nagsimula ang mga protesta noong Huwebes sa Mashhad kaugnay sa economic issues at kumalat sa ibang mga lungsod. Kinondena ng ilang nagpoprotesta ang gobyerno at si supreme leader, Ayatollah Ali Khamenei. Daan-daang katao ang inaresto.

Inilabas ng Iranian state television ang footage ng pinasok na isang pribadong bangko, mga basag na bintana, at mga itinaob na sasakyan at firetruck na tila sinilaban. Ayon dito 10 katao ang pinatay ng security forces sa mga sagupaan noong Linggo ng gabi.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture