CARACAS (AFP) – Apektado na ng kakapusan ng supply sa Venezuela ang isang mahagalang bahagi ng tradisyunal na pagkain sa Pasko at Bagong Taon, na ikinadismaya ng mga mamamayan at iisa ang isinisigaw: ‘’We want our ham!’’

Nagkakaubusan ng ham na ang ibang mamamayan ay nauubusan na rin ng pasensiya at lumabas sa mga kalye para magprotesta.

‘’We didn’t have it for Christmas and it won’t be here for the New Year,’’ reklamo ni Miriam Brito sa protesta sa Caracas.

Dumami na ang mga protesta sa buong Venezuela, ngunit nangako ang gobyerno ni President Nicolas Maduro – na ang bansa ay dating isa sa pinakamayaman sa Latin America – na kabilang ang ham sa mga pagkaing isasama sa subsidiya.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Inamin ni Maduro ang ilang aberya sa pamamahagi ng ham ngunit sinisi ang international boycott na iniugnay niya sa matinding economic sanctions na ipinataw ng Washington, at sa pananabotahe ng Portugal, na nagluluwas sa kanila ng ham.

‘’Where did the ham go? We have been sabotaged. It’s the fault of one country: Portugal,’’ ani Maduro sa media.

Bumuwelta si Minister of Foreign Affairs Augusto Santos Silva ng Portugal. ‘’The Portuguese government certainly does not have the power to sabotage ham,’’ aniya.