Ni REGGEE BONOAN

HINDI man nababanggit ang partisipasyon ni Arjo Atayde sa Ang Panday bilang naunang Lizardo bago si Jake Cuenca, labis-labis ang pasasalamat niya kay Coco Martin na naging dahilan para lalong siya nakilala at ito rin ang nagbigay sa kanya ng unang pelikula.

Coco at Arjo copy

“Binigyan mo ako ng opportunity maging kontrabida mo sa Probinsyano at ngayon naman, ikaw din ang nagbigay ng first movie appearance ko,” sabi ni Arjo sa post niya sa social media.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“Paps (tawag kay Coco), salamat sa walang sawang tiwala. All the best this MMFF! Dito lang ako.

“First day pa lang, manonood na ako! Love you, paps! Mga kapamilya, mapapanood n’yo na po Ang Panday na pinagbibidahan at directed by Coco Martin. Ako na po mismo ang magsasabi na napakaganda ng movie directorial debut ni Coco. You have to watch it! Such impressive effects, well-mounted action scenes, and it’s family-oriented. Action drama comedy! Lahat na! Mga Kapamilya nood po tayo @mr.cocomartin.”

Sabi nga ni Arjo ay hinding-hindi niya malilimutan ang bawat taong nakatulong sa kanya para makilala siya bilang si Joaquin Tuazon sa FPJ’s Ang Probinsyano hanggang sa tumawid na siya sa seryeng Hanggang Saan bilang si Paco kasama ang inang si Sylvia Sanchez.

Pinangarap ng aktor na mapasama rin sa pelikula na muling tinupad ni Coco kaya abut-abot ang pagtatangi niya sa aktor/direktor at producer ng taong 2017.

Si Coco rin ang gustong tularan ni Arjo kapag narating na niya ang kasikatan, tutulong din siya sa mga baguhan at maging sa mga datihan nang artista na nangangailangan ng trabaho.