Ni YAS D. OCAMPO

Kinilala ng pamunuan ng NCCC Mall sa Davao City ang hindi matatawarang kabayanihan ng isa nitong empleyado na kabilang sa mga nasawi sa sunog nitong Sabado, kasabay ng pagsasapubliko kahapon ng pamahalaang lungsod ng mga pangalan ng mga kumpirmadong namatay sa trahedya.

Sa isang pahayag, sinabi ng pamunuan ng NCCC Mall na si Melvin Ga-a ay kanilang safety officer, at nasawi ito habang tumutupad sa tungkulin—nasa 700 empleyado ng mall ang kanyang nailigtas, bukod pa sa 83 katrabaho ng 37 call center agents na namatay sa sunog.

Ayon kay Thea Padua, tagapagsalita ng NCCC Mall, Martes ng gabi nang kinilala si Melvin ng misis nitong si Rosela Ga-a bilang isa sa 36 na kataong natagpuan ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) nitong Lunes ng gabi malapit sa lobby ng call center agency na SSI sa ikaapat na palapag ng mall.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Miyembro ng NCCC Emergency Action Team (NEAT), sinabi ni Padua na bumalik pa si Melvin sa loob ng nasusunog na gusali upang makapagligtas ng maraming iba pa, pero hindi na ito nakalabas.

“Melvin had already brought down several SSI employees and was already seen having safely exited the building at the ground floor. But instead of remaining downstairs, he went upstairs again to try to save more people,” ani Padua.

“We offer his family our sympathies and recognize with the deepest gratitude Melvin’s sacrifice,” dagdag pa niya.

Dahil sa pagkakakumpirma sa pagkasawi ni Melvin, umakyat na sa 38 ang kabuuang bilang ng nasawi sa sunog.

Hanggang 2:30 ng umaga kahapon ay kinumpirma na ng Davao City government ang pangalan ng 36 na nasawi, habang dalawa pa ang nawawala: ang kapwa empleyado ng SSI na sina Mikko Demafeliz at Alexandra Moreno.

Kinumpirma ng city government ang pagkasawi nina Jeffrey Sismar, Mary Louielyn Bongcayao, Kurtchin Angela Bangoy, Joy Pabelonia, Christen Garzon, Jim Benedict Quimsing, Jonas Basalan, Jessica Samontina, Venus Joy Quimpo, Jimboy Limosnero, Christine Joy Ferraren, Rosyl Montanez, Missy Rose Artiaga, Rhenzi Nova Muyco, Ivan Nebelle Roble, Elyn Joy Yorsua, Shiela Mae Bacaling, Roderick Antipuesto.

Kabilang din sa mga nasawi sina Nancy Loyd Abad, Solis, Jessica Solis, Charlyn Liwaya, Melvin Ga-a, Regine Generales, Gantioco Celestial, Apple Jane Celades, Ian Kiem Adlawan, Lister Jade Entera, Analiza Piñajiro, Christine Alviola, Roderick Constantinopla, Dresiree Gayle Zacarias, Johani Matundo, Iana Apalacio, Maryjoy Daloro, Randy Balcao, at Janine Joy Obo.