KALIBO, Aklan – Tumakas at kaagad na nadakip ang isang bilanggo sa Aklan Rehabilitation Center (ARC) sa Barangay Nalook, Kalibo.

Kinilala ang bilanggo na si Elmer Olog, na may kasong murder.

Ayon sa ARC, isa si Olog sa mga pinagkakatiwalaang bilanggo sa ARC bilang custodian inmate, subalit tumakas ito.

Kaagad namang naaresto si Olog nang madiskubreng nagtatago sa kanyang kamag-anak sa Bgy. Sigcay, Banga, Aklan.

Probinsya

15-anyos, patay sa pagsabog ng isang bagay na napagkamalang gold bar!

Posible umanong nais makita ng suspek ang kanyang pamilya ngayong Pasko.- Jun N. Aguirre