Sa halip na pamilya, mga kakosa ang makakapiling ng isang construction worker ngayong Pasko matapos nitong saksakin ang isang lalaki sa loob ng restobar sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Kinilala ni Moriones Tondo Police Station chief Police Superintendent Santiago Pascual III ang suspek na si Jison Compa, 32, ng Quezon City.

Sinabi ni Pascual na nagsimula ang insidente nang magpatulong ang pinsan ng biktima, si Ramon Voltaire Garcia, matapos hawakan ng kaibigan ni Compa na kinilalang si Bernard Taduran.

Nagpunta si Garcia sa Bulaluhan Resto Bar, dakong 9:05 ng gabi at kinompronta si Taduran, na noong oras na iyon ay nakikipag-inuman kay Compa. Nagkaroon ng mainitang pagtatalo at bumunot ng patalim si Compa at sinaksak si Garcia sa kanang tiyan.

National

PCO, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱2.281B proposed budget sa 2025

Isang concerned citizen ang nag-report ng insidente sa pulis, na agad rumesponde at inaresto ang mga suspek.

Kasong attempted homicide ang isasampa laban kay Compa, habang si Taduran ay itinurn over sa Women’s Desk ng istasyon.

Nagsasagawa na ng follow-up investigations. - Jaimie Rose Aberia