Malamang sa selda mag-Pasko ang dalawa sa isang grupo ng armadong lalaki makaraang maaresto kasunod ng reklamo ng magkapatid na biktima sa Makati City, nitong Biyernes ng umaga.

Nasa kustodiya ng Makati City Police, para sa kasong frustrated murder at malicious mischief, ang mga suspek na sina Vincent Yamat y Villanueva at Deogracias Sunga y Ocampo, kapwa nasa hustong gulang.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO1 Julio Valle, nadakip ang mga suspek sa Nuestra Senora Street, Barangay Guadalupe Nuevo ng nasabing lungsod, bandang 9:30 ng umaga.

Dumulog sa tanggapan ng pulisya sina Ryan at Richard Valencia upang ireklamo ang mga suspek.

National

Ex-VP Leni Robredo, tatakbong alkalde ng Naga City

Nakunan pa ng closed-circuit television (CCTV) camera ang panggugulo ng isang grupo ng kalalakihan, kabilang sina Villanueva at Sunga, na armado ng mahahabang baril at hand gun at pinalibutan saka umano ginulpi ang magkapatid, dakong 2:00 ng madaling araw.

Sa tulong ng CCTV camera, nakilala si Yamat at namataang may bitbit na sako sa lugar dahilan upang sundan siya ng mga pulis hanggang sa masakote at makumpiskahan ng isang M16 rifle na may magazine na naglalaman ng 30 bala ng baril.

Nadakip din ng awtoridad si Sunga matapos ituro ni Yamat. - Bella Gamotea