Ni NORA CALDERON

SIMULA pagkabata ay may pagka-sporty na si Bea Binene. Kaya noong time pa ng Captain Barbel ni Richard Gutierrez sa GMA-7, isa na si Bea sa mga nag-aaksiyon sa TV series. Kaya laman na ng gym noon pa man si Bea at kumukuha ng training sa wushu at jujitsu, arnis.

BEA copy

Pero hindi pala doon natapos ang hilig ni Bea sa sports, dahil pinasok na rin niya ang pagiging diver. Madalas siyang sumailalim sa underwater training, lately ay nagpunta siya ng Coron, Palawan para sa kanyang scuba diving lessons.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nagtagumpay si Bea dahil isa na siyang certified open water diver ngayon.

Nag-post si Bea sa Instagram ng, “I passed! Now a certified open water diver, FINALLY! Special shoutout to my dive instructor, @martin­_huber85 of Reggae Dive Center here in Coron for teaching me everything and for making me understand all the things I should know. #coron #palawan #padi #scubadiving #diver.

Umabot ng more than 51K ang mga nag-like sa post ni Bea (sa solo photo niya), at marami ang nagtatanong na fans kung kailan siya muling mapapanood sa TV series.

Wala pang bagong project sa GMA si Bea ngayon, pero pinasok na rin niya ang indie film production. Siya ang producer ng Fading Paradise na nakasali sa katatapos na Quezon City Film Festival. Balak ni Bea na ituloy ang pagpu-produce ngayong marami na siyang natutuhan sa first movie na prinodyus niya.