Ni JUN FABON

Arestado ang isang estudyante nang masamsaman ng ilegal na droga sa Light Rail Transit-2 (LRT-2) Cubao Station sa Quezon City, iniulat kahapon.

Sa report ni Police Supt. Louise Benjie Tremor, hepe ng Cubao Police-Station 7, kinilala ang suspek na si Adbi Zimran, 21, ng Barangay San Roque, Cubao, Quezon City.

Nakuha kay Zimran ang isang bag ng marijuana, anim na tableta ng ecstacy, mga ketanol, at drug paraphernalia.

National

PBBM office, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱10.5B proposed budget sa 2025

Ayon kay PO3 Angeli Villagantol, nag-inspection ang security guard na si Eugene Abalon sa entrance ng LRT 2 sa may Gateway at natuklasan ang ilegal na droga na bitbit ni Zimran, dakong 6:00 ng gabi kamakalawa.

Agad dinala ang suspek sa QCPD-PS7 at ikinulong matapos kasuhan ng paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.