Isa umanong estafadora ang inaresto ng mga pulis sa Parañaque City, kahapon ng umaga.

Kasalukuyang nakakulong sa Parañaque City Police si Judy Jacela y Ponsaran, 47, mananahi, ng No. 125 Jasmin Street, UPS IV, Marcelo Green Village ng nasabing lungsod.

Base sa ulat, inaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS), sa pangunguna ni Senior Insp. Anthony Alising, ang suspek sa kanyang bahay, bandang 8:30 ng umaga.

Inaresto si Jacela sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Paranaque City Regional Trial Court Branch 195 Judge Aida Estrella Macapagal, dahil sa kasong estafa na may criminal case No. 12-0847.

National

PBBM office, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱10.5B proposed budget sa 2025

Inirekomenda ng hukuman ang P40,000 piyansa para sa pansamantalang paglaya ni Jacela.

Nakatakdang iharap sa korte ang suspek para sa kaukulang disposisyon. - Bella Gamotea