Ni Nitz Miralles

KUNG si Erich Gonzales ang calendar girl ng Tanduay for 2018 at si Myrtle Sarrosa sa Ginebra, si Andrea Torres naman ang calendar girl ng Cobra Energy Drink. Seksing-seksi ang aktres sa ipinost niyang isa sa mga photo niya for the calendar, kaya napahanga pati kapwa mga taga-showbiz.

Andrea copy copy

Kabilang sina Jaclyn Jose, Yasmien Kurdi, Marco Gumabao, Sam Pinto at Heart Evangelista sa nag-like at nag-comment sa sexy photo ni Andrea. May nagtanong kung kailan daw kaya magla-like at magku-comment si Sef Cadayona?

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Hindi maiwasan na may negative comment at may nagpiplit gawan ng isyu at i-link si Andrea sa isang aktor. Pero mas marami ang dumepensa sa kanya at positive comments, kaya talo ang mga nega.

Samantala, hindi nakapagpigil si Andrea sa isa niyang basher na nag-comment ng, “In case wala pang nagre-remind sa ‘yo, remind na kita. Malandi ka, ‘di ka maganda. ‘Wag kang feelingera...” at kung anu-ano pang masasakit na salita.

Sumagot si Andrea ng, “Remind lang din kita, wala akong pakialam,” na nagustuhan ng followers niya. Panahon na raw para sumagot siya sa pamba-bash ng ilang netizens na akala mo’y alam ang lahat ng nangyayari sa showbiz, gayong ngayon lang mga naging fans.

Anyway, habang wala pa siyang bagong show sa GMA-7, magbabakasyon muna sa Australia si Andrea kasama ang mom niya.

Dadalawin niya ang kuya niyang naka-base roon at mamamasyal.

Sisimulan ni Andrea ang goal niya sa 2018 na mag-travel ‘pag may free time siya at ‘pag may budget. Para sa bakasyon sa Australia, inipon niya ang talent fee niya sa Alyas Robin Hood 2 para sa 15 days vacation nila ng mommy niya.