Sue Ramirez
Sue Ramirez
KONTROBERSIYAL ngayon ang ka-love team ni Arjo Atayde na si Sue Ramirez sa seryeng Hanggang Saan.

Nag-ugat ang isyu kay Sue nang mag-dirty finger daw sa isang 51 year-old woman na nagngangalang Jeannette Terrenal Alba na nauna sa kanyang maghintay sa parking lot sa isang restaurant sa BF Homes, Parañaque City nitong Biyernes.

Nag-post si Sue sa Twitter ng, “Words are words. Be careful what you believe in. I hope everyone has a great day. God bless you all.”

Sinundan niya ito ng, “Sometimes, when you try to explain yourself, people will refuse to listen. Once they turn their backs on you, you do not owe them an explanation anymore. God knows the truth. Malinis ang konsensiya ko.

'Di kilala unang babaeng PH president?' Gurong contestant sa Showtime, trending sa X

“Words to live by: mas ok nang MASIRA, kesa MANIRA.

“Words to live by: mas ok nang MA-BASH, kesa MANG-BASH.

“Make sure you know the REAL STORY behind stuff you read on the internet (or anywhere) before judging or accusing them of something.”

At dahil inako na ni Sue ang kasalanang hindi niya ginawa, binura na ni Ms. Jeannette ang post nitong, “I just want you to know na ako ‘yung nauna sa ‘ yo naghintay ng parking slot sa Singsing Restaurant. Kung nauna akong mag-park, you do not have the right to put your finger out of your car and made that dirty finger sign. I maybe a 51 yr old woman but my vision is clear.”

Pinalitan niya ito ng, “I have accepted the sincere apology of Sue Ramirez. Thank you to those who took the flight with me. I will make my posts private now. To her fans, please continue liking her, it may be a case of misunderstanding. To those who were hurt by this, my apology. Hindi po ako artista na gustong sumikat, I was just expressing my disappointment. Sa mga artista, tinitingala kayo ng fans ninyo, don’t do ‘dirty finger’ in public. Salamat.”

Nakausap namin ang ilang malalapit na kaibigan ng aktres na ayaw pang magpainterbyu.

“Base sa pagkakakilala ko kay Sue, hindi niya magagawa kasi magalang ‘yan sa may edad na at saka lagi niya kasama nanay niya kaya paano niya gagawing mag-dirty finger? Hindi sa ipinagtatanggol ko si Sue pero imposible,” sabi ng friend ng aktres.

“’Yung sinasabing clear ang vision niya hindi naman kinukuwestiyon ‘yun, kaya lang, si Sue ba talaga ‘yun o kasama niya ang gumawa, ano kasi ‘yan, maraming kasama ‘yan ‘pag aalis.”

Ayon naman sa kaibigan naming nakakuwentuhan ni Sue, “Sabi ni Sue hindi siya at napagkamalang siya kasi marami sila sa sasakyan at para matapos na, humingi na lang siya ng apology, inako na niya ang kasalanan, pero talagang ipinagdiinan niyang hindi siya.”

Upset daw ang aktres sa nangyari lalo’t kaliwa’t kanan ang bashing sa kanya sa social media.

“Hinusgahan na kasi siya,” say pa ng source na kaibigan ng dalaga.

Hindi na lang daw magsasalita si Sue dahil baka lumaki pa ang isyu kapag nagpainterbyu siya dahil wala namang maniniwala lalo’t ngayon pa lang siya gumagawa ng pangalan sa showbiz. Tutal naman naglabas na siya ng hinaing niya sa social media.

Nakilala naming masayahin at mabuting bata si Sue. Hindi siya kailanman naging masungit sa fans o kaninuman.

Tama si Ms. Jeannette, misunderstanding ang nangyari at siya na mismo ang humingi ng dispensa sa mga taong nasaktan sa una niyang pahayag at nagsabi ring, “to her fans, please continue liking her.”

Case closed at umaasa kami na lesson learned ito sa lahat na huwag na huwag gagawa ng hindi hindi maganda sa kapwa.

–Reggee Bonoan