TALAVERA, Nueva Ecija – Arestado ang isang 46-anyos na babaeng umano'y tulak sa ikinasang buy-bust operation ng Talavera Police sa Barangay Pag-asa, nitong Linggo ng hapon.

Nakorner ng mga operatiba si Mylene De Lara y Fausto, 46, may asawa, residente sa nasabing lugar, nang maaktuhan umanong nakikipagtransaksiyon.

Nasamsam mula sa suspek ang limang sachet ng hinihinalang shabu at P500 marked money.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 si Fausto. - Light A. Nolasco

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog